
Inupakan ni Vice President Sara Duterte ang mga senador na nagsabing dapat na lamang na sumuko sa mga awtoridad si Senador Ronald dela Rosa para harapin nito ang kaso sa International Criminal Court (ICC).
Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na maling isilbi sa Pilipinas ang warrant of arrest na hindi naman inisyu ng korte ng Pilipinas.
Inupakan din ni VP Sara ang aniya’y kawalan ng respeto sa kalayaan ng Senado, ng ilang ahensya ng gobyerno, gayundin ang kabiguan ng administrasyon na maunawaan ang kahulugan ng soberenya ng isang bansa.
Kabilang naman sa mga senador na humimok kay Dela Rosa na sumuko sina Tito Sotto, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Ping Lacson at Kiko Pangilinan.
Facebook Comments










