DALAWANG NBI ASSET BISTADO SA PAGBEBENTA NG MGA BARIL SA LAOAG CITY, ILOCOS NORTE

Arestado ang dalawang NBI Asset at informant matapos mabisto sa pagbebenta ng mga baril sa Brgy 2, Sta. Joaquina, Laoag City, Ilocos Norte.
Nakilala ang dalawa na sina Albert Basbas , 58 anyos, residente ng Laoag City at Leo Ortega , 47 anyos at residente ng Quezon City.
Ikinasa ang buy bust operation sa pangunguna ng CIDG Ilocos Norte na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawa at pagkakakumpiska ng dalawang 5.56MM bushmaster rifle, mga bala, boodle money, cellphones, mga identification cards at ang ginamit nilang kotse.

Kasalukuyan silang nasa pangangalaga ng CIDG Ilocos Norte at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Omnibus Election Code na gun ban at Usurpation of Authority. | ifmnews
Facebook Comments