Sunday, August 16, 2026

Magnitude 4.8 na lindol at aftershocks, naitala sa Sarangani, Davao Occidental ngayong umaga

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, kaninang 6:09 a.m., ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinundan agad ito ng aftershock makalipas ang pitong minuto, ganap na 6:16 a.m., na may lakas na magnitude 3.0.

Pagkalipas ng higit 15 minuto, isa pang magnitude 2.1 na aftershock ang naitala naman sa Davao Oriental.

Ayon sa ahensiya, ang mga naranasang paglindol ngayong araw ay mga aftershock ng lindol na tumama noong June 2026, partikular ang magnitude 7.8 sa Sarangani at magnitude 6.5 sa Davao Occidental.

Facebook Comments