Wednesday, August 19, 2026

HIGIT 2,400 TRICYCLE DRIVERS SA DAGUPAN, NAKATANGGAP NG TIG-10 KILONG BIGAS MATAPOS ANG BAGYO AT BAHA

‎Nakatulong kahit papaano sa mga tricycle drivers sa Dagupan City ang tig-10 kilong bigas na naipamahagi sa kanila bilang bahagi ng pagtulong sa kanila matapos ang nagdaang bagyo at pagbaha.
‎ ‎Sa kabuuan, 24,590 kilo ng bigas ang naipamahagi sa mga benepisyaryong tricycle driver. ‎
‎Malaking dagdag-ginhawa umano ang ayuda lalo na sa mga tsuper na nakaranas ng pagbaba ng kita dahil sa epekto ng kalamidad. ‎
‎Isinagawa ang pamamahagi sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) mula sa Office of the President, na layong makatulong sa mga pamilyang patuloy na humaharap sa dagdag na gastusin matapos maapektuhan ang kanilang kabuhayan. ‎
‎Tiniyak naman ang maayos at mabilis na distribusyon ng ayuda sa pangunguna ng Public Order and Safety Office (POSO) sa ilalim ni Chief Arvin Decano. ‎
‎Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensya upang makapaghatid ng karagdagang suporta sa iba pang sektor na naapektuhan ng bagyo at pagbaha.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments