Tuesday, July 28, 2026

Mga solusyon na inilahad ni PBBM sa SONA, kapos para kay Rep. Cendaña

Para kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña kapos ang mga solusyon sa mga problema ng bansa na inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Cendaña, inasahan nila ang buo at tapat na assessment sa mga suliranin ng bansa sa SONA pero ito ay nagmistulang recitation ng bureaucratic year-end report.

Dismayado rin si Cendaña na walang binanggit sa pagtaas sa sweldo ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsuporta sa panukalang P200 wage hike.

Ikinalungkot din ni Cendaña na hindi itinulak ni PBBM ang pagtapyas sa Value Added Tax (VAT) para mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments