
Dalawang taga Ombudsman ang nagtungo sa Senado ngayong araw.
Bagama’t hindi kinumpirma kung ano ang sadya pumunta ang mga ito para magsumite ng ilang dokumento sa opisina ng Senate secretary.
Batay sa Office of the Senate-Sergeant-At-Arms (OSAA), noong Biyernes ay hindi tinanggap ng Senado ang suspension order laban kay Senate-Sergeant-At-Arms Mao Aplasca dahil bukod sa walang opisina na tatangap at hindi awtorisadong tumanggap ang mga security personnel ng ganong communication.
Pero kinumpirma naman ni Assistant Ombudsman at Spokesperson Mico Clavano na dalawang Ombudsman personnel nga ang nagpunta ngayon sa Senado para isilbi ang suspension order laban kay Aplasca at ang subpoena para sa cctv ng nangyaring shooting incident noong Miyerkules.
Matatandaang pinatawan ng Ombudsman ng anim na buwan na suspension without pay si Aplasca matapos na magpaputok ng warning shot na nag-trigger sa nangyaring barilan sa pagitan ng OSAA, Marines at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).










