
Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng mga buhay na hayop at mga animal products sa bansang Greece .
Kasunod ito ng nakumpirmang kaso ng foot-and-mouth disease sa mga domestic sheep sa Lesvos noong nakaraang buwan.
Sa ilalim ng Department Circular 20, ipinatigil din ng DA ang pag-isyu ng mga clearance ng sanitary at phytosanitary import para sa mga apektadong produkto.
Ipinag-utos din ng DA ang mahigpit na inspeksyon ng lahat ng mga pantalan sa bansa.
Sakop ng pagbabawal ay ang mga skeletal muscle, buhay na baboy, baka, at untreated milk habang ang ilang mga naprosesong produktong itinuturing na “safe products ” sa ilalim ng international standards ay pinapayagan pa rin na makapasok sa ilalim ng mahigpit na kondisyon.










