
Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang legal na aksyon na gagawin kaugnay ng posibleng epekto ng Protective Custody ng senador kay Senator Ronald dela Rosa.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, pwedeng kumatawan sa nasabing Senador ang kanyang abogado depende ito sa magiging valid reason kung bakit hindi ito makakadalo sa subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Nabatid na nagpakita si Senator Dela Rosa sa Senado kahapon ngunit ito ay binigyan ng proteksyon ng Mataas na Kapulungan kung kayat siya ay nananatili pa rin doon.
Matatandaan din na batay sa nilalaman ng subpoena ni Senator Dela Rosa, kailangan nitong sumipot sa patawag ng CIDG ngayong Huwebes, May 14 ng alas-10 ng umaga kaugnay ng umano’y extra judicial killings na naganap noong kasagsagan ng drug war noong sya ay director ng Davao.
Kung mabigo man ang senador na sumipot sa patawag ng CIDG ay masasampahan ito ng kasong Indirect Contempt.
Nauna nang sinabi ng PNP na walang kaugnayan sa International Criminal Court (ICC) issue ang pagbibigay nila ng subpoena laban sa senador.










