Monday, May 18, 2026

Ilang raliyista, sumugod sa Senado ilang oras bago ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court laban kay VP Duterte

Nanawagan ngayon ang grupong Power for People Coalition sa pamahalaan na unahin ang kapakanan ng taong bayan kaysa mag-agawan sa kapangyarihan.

Kasabay na rin ito ng isinagawang kilos-protesta ng grupo sa harap ng Senado ilang oras bago ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court na tatalakay sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang diin ni Ka Leody de Guzman, na walang saysay ang isasagawang impeachment dahil kahit kaalyado ng mga Duterte ang karamihan sa mga senador.

Aniya, kahit sangkaterba ang mga ebidensiya laban sa pangalawang pangulo ay hind ito matatanggal dahil sa mga senador na pro-Duterte.

Dahil dito, hiniling ng grupo na kumilos at panagutin ang lahat ng mga tiwali sa gobyerno hindi lamang ang pangalawang pangulo.

Ito ay para matugunan aniya ang mga problemang kinahaharap ng bansa.

Mamayang alas-3:00 ng hapon ay magko-convene ang Senado na uupong impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments