Thursday, November 5, 2026

Malacañang, naniniwalang mas magiging matalino ang mga botante kung mulat sa mga isyu sa bansa

Naniniwala ang Malacañang na mas magiging matalino ang mga botante sa pagpili ng susunod na lider kung alam nila ang katotohanan sa mga nangyayari sa bansa.

Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng OCTA Research survey kung saan lumiit ang lamang ni Vice President Sara Duterte kay dating Naga City Mayor Leni Robredo sa hypothetical presidential race sa 2028.

Ayon kay Castro, hindi pa pinag-uusapan sa Palasyo ang mga survey dahil nakatuon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghahanda sa ASEAN Summit at pagtugon sa inaasahang matinding El Niño.

Binigyang-diin niyang hindi pa panahon ng halalan kaya hindi binibigyang-pansin ng Pangulo kung sino ang nangunguna sa mga survey.

Giit ni Castro, mahalagang maging mulat ang publiko sa mga isyu sa bansa, may impeachment man o wala, upang maging mas mapanuri sa kanilang mga desisyon.

Facebook Comments