
Itinutulak ni Senator Kiko Pangilinan ang mas malakas at mas komprehensibong agricultural insurance protection para sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa Senate Bill 2583, layon nitong palawakin ang serbisyo at tiyakin ang patuloy na operasyon ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Presidential Decree 1467.
Layon ng panukalang batas na mapalakas ang katatagan ng sektor ng agrikultura laban sa panganib ng pagbabago ng klima, partikular ang Super El Niño.
Palalakasin din ang PCIC sa pamamagitan ng pagbibigay ng life at accident term insurance coverage sa mga magsasaka at mangingisda.
Binibigyang-kapangyarihan din ang PCIC na mag-adopt ng modernong teknolohiya at index-based insurance products na magbibigay ng kabayaran batay sa antas ng ulan, tagtuyot at iba pang weather-related factors.
Binigyang-diin pa ni Pangilinan na ang agricultural insurance ay isang mahalagang safety net na hindi lamang makatutulong sa mga magsasaka at mangingisda kundi isa ring suporta para sa patuloy na pagtiyak ng food production at pagpapahusay ng kanilang credit.










