Modernisasyon at budget ng PUP sa 2023, tiniyak ng isang senador

73

Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagsusulong ng modernisasyon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ito ang ipinangako ni Cayetano sa oras na busisiin na sa Senado ang pondo ng State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2023 national budget.

Naniniwala si Cayetano na karapat-dapat lamang ang mas malaking budgetary support sa unibersidad lalo pa’t mataas ang demand sa mga employer ng mga nagtapos mula sa PUP.


Tiwala rin ang senador na mas marami pa ang magagawa ng unibersidad kung dadagdagan ang budget.

Umaasa rin ang mambabatas sa patuloy na pagpapahusay ng unibersidad sa pamamagitan ng mga kontribusyon nito sa maraming indibidwal at grupo.

Bukod sa PUP ay nais din ng senador ang pagpapatupad ng reporma sa lahat ng SUCs.



Facebook Comments