DAPAT IHANAY | Umano’y ‘dodoblehin ang sahod ng mga guro, eksaherado – ACT Partylist Rep. Antonio Tinio

76

Manila, Philippines – Tinawag ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative Antonio Tinio na ‘eksaherado’ ang planong ‘dodoblehin’ ang sahod para sa mga guro.

Sa interview ng RMN-Manila, sinabi ni Tinio – dapat ihanay din ang natatanggap na sahod ng mga guro sa sweldo ng mga pulis.

Samantala, tinawanan lang ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang bansag sa kanya na number one enemy ng mga guro.

Sabi ng kalihim, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.

Kasabay nito, tiniyak ng budget department na kanilang pag-aaralan kung kailangan pa ng panibagong round ng salary increase kung saan nagkaroon na ng salary adjustment sa mga entry level.

Magsasagawa naman ng protesta ang mga guro sa tanggapan ng DBM ngayong araw para ipanawagan ang dagdag sahod sa kanilang hanay.

Facebook Comments