Wednesday, September 16, 2026

Nakatalagang security detail ni VPSD, mananatili — AFP

Patuloy na isasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mandato nito na protektahan ang mga Very Very Important Persons (VVIPs) ng bansa lalo na ang presidente, bise presidente at ang mga pamilya nito.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na wala itong tiwala sa kanyang mga security detail.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, wala pa silang natatanggap na request mula sa Office of the Vice President (OVP) para i-withdraw ang nasabing security ng bise.

Una nang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., na malaya namang hilingin ni VP Duterte na bawiin ang kaniyang security detail kung hindi pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas dito.

Samantala, bina-validate naman na umano ng AFP ang umano’y security arrangement na binanggit ni VP Duterte kay dating Chief of Staff General Romeo Brawner.

Facebook Comments