Tuesday, August 11, 2026

Dating basketball coach Tab Baldwin at pamuanun ng Ateneo, pinatawan ng multa ng DOLE

Pinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng milyon-milyong pisong multa si dating head coach Thomas Anthony “Tab” Baldwin at ang mismong Ateneo University dahil sa mga paglabag sa probisyon ng Alien Employment Permit (AEP).

Sa desisyong ng DOLE, pinagmumulta si Baldwin ng P4.9 milyon para sa kawalan ng AEP habang nagtatrabaho sa bansa.

Bukod dito, pinatawan din siya ng karagdagang P4.9 milyong multa dahil sa kabiguang kumuha ng Certificate of Exemption para sa kanyang paninirahan at pagtatrabaho.

Pinagmulta rin ng DOLE ang Ateneo de Manila University ng P4.9 milyon dahil sa pagkuha at pagpayag kay Baldwin na magtrabaho nang walang kaukulang legal na dokumento o permit mula sa pamahalaan.

Ipinapaubaya naman ng DOLE aa ibang ahensiya ng pamahalaan ang anumang pagsasampa ng ibang kaso kay Baldwin gayundin ang posibilidad na deportation process nito sa Bureau of Immigration (BI).

Facebook Comments