
Hindi pa rin natatapos ang sagutan sa pagitan nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Ping Lacson.
Ito ay matapos tawagin ni Cayetano si Lacson na judge troll at marites o nagkakalat ng tsismis.
Kaugnay ito sa naunang X post ni Lacson na naungkat pa ng kanyang imbestigasyon sa mga maanomalyang proyekto sa Taguig City ang umano’y illegal reclamation activities sa Laguna lake na sakop ng lungsod.
Sa Facebook livestream ni Cayetano, sinabi niyang halos araw-araw na siyang tino-troll ni Lacson na panay marites o inconclusive, argumentative at hearsay o tsismis laban sa kanya ang ginawa sa halip na iwan sa tamang ahensya ang pagiimbestiga.
Ipinagtanggol ni Cayetano ang lakeshore developments sa Taguig na ginawan ng parks sa koordinasyon aniya ng local government at national government mula pa noong Aquino administration hanggang sa kasalukuyan.










