
Apektado ang halos 500 pasahero dahil sa nagkaaberyang eroplano ng Cebu Pacific sa Bicol International AirPort.
Dahil dito, agad kinansela ang flight 5J 325/326 na may biyaheng Daraga/Legazpi Bicol.
Apektado naman dito ang 463 pasahero na kinabibilangan ng 225 incoming at 238 outgoing passenger.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagkaroon ng aircraft technical issue ang naturang eroplano.
Inabisuhan naman ang mga pasherong makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa automatic rebooking at rescheduling ng flights.
Facebook Comments










