
Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 18 chinese vessels sa apat na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na linggo August 4 hanggang 10.
Kung saan namataan ang 8 Chinese Coast Guard Vessels sa Ayungin Shoal at 7 CCGVs at isang People’s Liberation Army Navy ships sa Bajo de Masinloc.
Samantala, namataan rin ang tag-iisang china coast guard vessels sa Escoda Shoal at Pag-asa Island.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang pagbabantay nila sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










