
Tinawag ni Senator Ping Lacson si Filipina tennis star Alex Eala na pinakabago at pinakabatang pambansang bayani ng bansa.
Ito ay matapos na talunin ni Eala si Caty McNally sa Canadian Open sa kabila ng pagkakaroon ng injury sa kanang paa.
Sinabi ni Lacson na kabilang siya sa maraming Pilipinong nagpuyat upang subaybayan ang mga update sa laban at nagpapasalamat siya sa karangalang ibinigay ni Eala sa bansa.
Nitong Sabado ay ipinakita ni Eala ang “never-say-die spirit” nito na naging tatak ng kanyang makasaysayang kampanya sa mga nakaraang linggo sa kabila ng injury tinamo sa kanang paa nito sa kanyang laban kay McNally sa Round 32 sa Toronto.
At dahil sa kanyang panalo, ay umabante si Eala sa Round of 16 ng Canadian Open.
Facebook Comments










