Friday, August 7, 2026

LRT-1 Las Piñas Station, tuloy na tuloy na —DOTr

Tuloy na tuloy na ang konstruksiyon ng Las Piñas Station ng LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at Villar Group of Companies para sa donasyon ng lupa na kinakailangan para sa proyekto.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, pumayag ang mga representative ng Villar Group of Companies sa tatlong non-negotiable terms para sa donasyon ng lupa.

Kabilang dito ang pagbibigay ng unconditional permit to enter, waiver ng subrogation laban sa gobyerno, at ang kanselasyon ng mortgage sa ari-arian na ido-donate.

Nagpahayag naman ang kumpanya ng kumpiyansang kasunduan sa land donation kabilang ang Memorandum of Agreement (MOA), Right-of-Way Acquisition Agreement, at Deed of Donation ay mapipirmahan na ngayong buwan at masisimulan ang construction works sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) President and Chief Executive Officer Enrico Benipayo, malaking tulong ang naturang proyekto sa mga commuters sa naturang area.

Facebook Comments