Friday, August 7, 2026

Generation charges sa electricity bill, pinapa-audit sa ERC

Pinapa-audit ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang generation charges sa kuryente, partikular ang ikinakarga sa presyo ng petrolyo.

Ang generation charges na nasa 60% at pinakamalaking bahagi ng bayarin sa kuryente ay tumutukoy sa paglikha ng kuryente mula sa mga planta.

Punto ni Gatchalian, kung gustong pababain ang bill sa kuryente, ang generation charge ang dapat tututukan at siguraduhing tama at makatwiran.

Lumalabas kasi na walang audit sa generation charges at sa mga ipinapasok ditong gastusin gaya ng pagbili ng petrolyo na lahat ay pinababayaran sa consumers.

Habang kinakalampag ang ERC, naghain din ang senador ng resolusyon na naglalayon na imbestigahan ng Senado ang kawalan ng regular na cost audit sa generation charges sa kuryente.

Facebook Comments