
Hinimok ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residenteng nasa flood-prone at landslide-prone areas na agad sumunod sa evacuation order ng mga lokal na awtoridad habang patuloy ang malalakas na pag-ulan dahil sa habagat.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD Information Officer Diego Mariano na mahalagang lumikas agad bago pa tumaas ang baha upang maiwasan ang panganib habang isinasagawa ang paglikas.
Pinaalalahanan din ang publiko na maging alerto at alamin ang mga hazard sa kanilang lugar, tulad ng posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Giit ng OCD, ang pagiging maalam sa mga panganib at tamang paghahanda ang makatutulong para manatiling kalmado at malaman ang dapat gawin kapag may sakuna.
Facebook Comments










