PBBM, nagtalaga ng caretaker committee habang wala siya sa bansa

Isang caretaker committee ang binuo ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para magsilbing tagapangalaga ng bansa habang wala siya at nasa Indonesia.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na magsisilbing chairperson ng komite si Vice President Sara Duterte.

Ang mga miyembro naman ng komite ay ang Executive Secretary mismo at si DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga.


Pinirmahan ng pangulo ang administrative order para rito bago umalis kanina patungong Indonesia.

Ito ang unang pagkakataon na nagtalaga ng komite ang pangulo sa kaniyang paglabas ng bansa.

Pangkaraniwan ay itinatalaga ng pangulo bilang caretaker si Vice President Sara Duterte kapag may biyahe siya sa ibang bansa.

Ang pangulo ay umalis kaninang tanghali patungong Indonesia para dumalo sa 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo Indonesia.

Facebook Comments