BFP GAMU, PATULOY ANG INSPEKSYON SA MGA ESTABLISYEMENTO

16
Nagpapatuloy ang isinasagawang Fire Safety inspection ng Gamu Municipal Fire Prevention Office sa iba’t ibang establisyemento sa bayan ng Gamu, Isabela.

Pinangunahan ni Senior Fire Officer SFO2 Wesley Austriaco, Gamu-MFPO, ang nabanggit na inspeksyon para siyasatin kung mayroong depekto sa mga pasilidad ng bawat establisyemento na maaaring magsanhi ng sakuna partikular ang sunog.

Kaugnay nito, ipinagkakaloob ang Certificate of Fire Safety Inspection sa mga establisyemento na sumusunod sa mga probisyon at requirements alinsunod sa Revised Fire Code of the Philippines.

Layunin ng inspeksyon na maiwasan ang sunog na maaaring sumira ng mga ari-arian at kumitil ng buhay at bilang preparasyon na rin sa Business One-Stop-Shop (BOSS) para sa susunod na Fiscal Year 2023.

Facebook Comments