Wednesday, May 6, 2026

Mga college graduates, pinabibigyan ng P5,000 cash assistance para sa paghahanap ng trabaho

Isinusulong ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga bagong college graduates para sa paghahanap ng trabaho.

Sa Senate Bill 1961, pinabibigyan ng one-time P5,000 cash assistance ang mga fresh graduates ng tertiary institutions para matulungan ang mga ito sa mga gastusin sa kanilang job-hunting.

Tinukoy ni Ejercito na hindi lang problema ang kawalan ng job opportunities kundi pati ang mismatch o hindi pagtutugma ng mga available na trabaho sa kakayahan ng mga bagong graduates.

Bukod dito, kadalasan pang nahaharap ang mga nagsipagtapos sa pinansyal na hamon tulad ng pamasahe para sa pagpunta sa mga interviews, printing ng mga resumes at mga dokumento pati na rin work attire.

Oras na maisabatas, kailangan lamang magprisinta ng mga fresh graduates ng proof of completion tulad ng diploma o certification na inisyu ng educational institution kung saan sila nagsipagtapos para makakuha ng nasabing benepisyo.

Facebook Comments