Wednesday, May 6, 2026

2.5 toneladang sardinas, ipinamahagi ng PNP sa mga evacuee sa Camalig, Albay

Nagpamahagi ng nasa 2.5 tonelada ng sardinas ang Legazpi City Police Station para sa mga indibidwal na kasalukuyang nasa evacuation centers sa Tagaytay, Camalig, Albay kahapon.

Ang nasabing mga ipinamahagi ay mga donasyon na inilaan para sa mga naapektuhan ng patuloy na ashfall mula sa aktibidad ng Bulkang Mayon.

Layon nito na makatulong sa araw-araw na pangangailangan sa pagkain ng mga apektadong pamilya habang nananatili sila sa evacuation sites.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang nasabing inisyatiba ay patuloy na nagpapakita ng diwa ng bayanihan at malasakit sa gitna ng kalamidad.

Facebook Comments