LGU SAN FABIAN, TUMANGGAP NG PONDO PARA SA PAGPAPALAKAS NG ENHANCED KADIWA PROGRAM; MAS PINATATAG NA SUPORTA SA MGA MAGSASAKA AT KABUHAYAN

Tumanggap ang Local Government Unit (LGU) San Fabian ng isang tseke mula sa Department of Agriculture – Regional Office 1 para sa implementasyon ng Enhanced KADIWA Inclusive Food Supply Chain Program noong Mayo 4, 2026.

Katuwang na tumanggap ang Farmers Association ng San Fabian at iba pa sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa ulat, kabilang sa Enhanced KADIWA ang suportang pinansyal at teknikal sa mga samahan ng magsasaka sa bayan gaya ng logistics, transportasyon at mga pasilidad na gagamitin sa storage at bentahan ng mga produkto.

Inaasahang mapapabuti ng programa ang market access ng mga lokal na magsasaka at ang suplay ng pagkain sa San Fabian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments