
Kinumpirma ng isa sa abogado ng mga former basketball players ng Ateneo de Manila University (ADMU) na fully cooperative ang mga nasabing manlalaro na pinatawag ngayong araw ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) sa Camp Crame sa Quezon City.
Nabatid na pinatawag ang mga ito para magbigay ng salaysay kaugnay ng isinagawang team building sa Aurora na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang mga basketball players nito noong June 8.
Ayon kay Atty. VJ Topacio, abogado ng former Ateneo players na sina Kymani Ladi at Dom Escobar, maraming nga naging tanong ang pulisya kayat napatagal ang paglabas ng mga ito sa tanggapan ng CIDG.
Kaugnay nito, kinumpirma rin ng nasabing abogado na under oath lahat ng statements ng mga nasabing dating players.
Sa ngayon may nasa tatlo pang mga dating players ang nasa loob pa rin ng tanggapan ng CIDG para magbigay ng kanilang mga salaysay.










