
Hindi isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong staged o sinadya at diversionary tactics o taktika para gumawa ng kalituhan ang nangyaring pamamaril sa loob ng Senado kahapon.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na hindi nila isinasantabi ang lahat ng anggulo sa nasabing insidente.
Kaugnay nito, ayon kay Tuaño hinihintay na nila ang magiging resulta ng forensic report kung saan nangggaling ang mga bala at kung bakit mataas ang trajectory ng mga ito.
Samantala, ayaw ng PNP na basta maniwala sa sinasabi ng suspek na naaresto na nagpakilalang driver ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kung saan magsasagawa muna ng background investigation ang PNP sa tunay na pagkakakilanlan nito.
Ayon naman kay Tuaño, within the day ay magbibigay sila ng inisyal na ulat sa magiging resulta ng isinasagawa nilang imbestigasyon.










