Monday, May 18, 2026

Senate Sgt.-at-Arms Aplasca, dapat mag-resign o tuluyang tanggalin sa pwesto

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na dapat mag-resign o tanggalin sa pwesto si Senate Sgt.-at-Arms Mao Aplasca.

Ayon kay De Lima, nakita ang pagiging trigger happy ni Aplasca sa nangyaring kaguluhan sa Senado noong gabi ng Mayo 13 kung saan ilang magkakasunod na putok ng baril ang narinig.

Diin ni De Lima, dapat alam ni Aplasca na bawal ang warning shots sa rules of engagement.

Para kay De Lima, sa insidente noong Miyerkules sa Senado ay inilagay ni Aplasca sa peligro ang buhay ng maraming sibilyan.

Facebook Comments