Kabilang sa mga pinag-aaralang dagdag na pasilidad sa sementeryo ng Urbiztondo ang pagtatayo ng palikuran para sa mga residenteng dumadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ito ay habang papalapit ang paggunita sa Undas, kung kailan inaasahang mas maraming pamilya ang bibisita sa mga sementeryo.
Muling nagpulong ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at Engineering Department upang talakayin ang mga kinakailangang hakbang bago masimulan ang konstruksyon.
Kasabay nito, pinag-usapan din ang iba pang planong pagsasaayos ng sementeryo.
Gayunman, hindi pa tinukoy kung kailan sisimulan ang pagtatayo ng palikuran at kung matatapos ito bago ang pagdagsa ng mga bisita sa Undas.
Wala ring inilabas na detalye hinggil sa inaasahang gastos at iba pang pasilidad na isasailalim sa pagpapabuti.
Sa ngayon, nananatili sa pagpaplano ang proyekto, habang mahalagang matiyak kung sapat ang mga kasalukuyang pasilidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga bibisita sa sementeryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










