Sunday, November 22, 2026

Full-blown national security probe sa remittances ng China sa Cale88, panawagan ng House Prosecution Panel

Nananawagan ang House Prosecution Panel ng malawakang imbestigasyon kaugnay sa nabunyag na pagpapadala ng pera ng China sa Cale88 Foods Corporation na nauugnay sa mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Giit ni House lead prosecutor and Batangas Rep. Gerville Luistro, kailangang siyasating mabuti kung nalagay sa alanganin ang ating pambansang seguridad sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Mensahe ito ni Luistro, makaraang mabunyag sa impeachment trial na umaabot sa mahigit 319-million pesos ang tinanggap ng Cale88 mula sa mainland China at Hong Kong.

Diin ni Luistro, hindi dapat ipagwalang-bahala na habang patuloy na inaangkin ng China ang ating teritoryo ay nagpapadala ito ng malaking halaga ng salapi sa kompanyang nauugnay sa ikalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Facebook Comments