Tuesday, October 20, 2026

Blue Alert Status, itinaas na ng NDRRMOC bilang paghahanda sa Bagyong Champi

Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC) ang alert status nito sa Blue Alert Status matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Rosal ngayong araw.

Sa ilalim ng Blue Alert Status, ang mga tauhan mula sa uniformed services ay inaasahan na magre-report sa operations center.

Kaugnay nito, in-activate na rin ang virtual Emergency Operations Center para mapabilis ang koordinasyon ng mga ahensiya at Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils.

Samantala, inatasan na rin ang mga NDRRMC Member Agencies at Regional DRRMCs na i-monitor ang kanilang mga nasasakupan, magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment at mag-ulat tungkol sa mga posibleng maapektuhang lugar, mga pangangailangan at nakahandang suplay bilang paghahanda sa nasabing bagyo.

Facebook Comments