Saturday, October 24, 2026

Motion for reconsideration ni Ex-Sen. Bong Revilla para tanggalin ang isang hukuman sa kaniyang kaso, ibinasura ng Sandiganbayan

Hindi kinatigan ng Sandiganbayan ang “Motion for Reconsideration” ni dating Senator Bong Revilla para sa kaniyang hiling na tanggalin sa pangangasiwa sa kinakaharap niyang P92.8 million malversation case si Sandiganbayan Third Division chairperson and Associate Justice Karl Miranda.

Ito ay dahil sa kawalan umano ng merito at pagkabigo ng kampo ni Revilla na magpakita ng bago at malinaw na ebidensya, na magpapatunay na may kinikilingan si Justice Miranda.
R
Giit ng Sandiganbayan 3rd Division, hindi ang pananaw ni Revilla bilang akusado ang basehan dito, bagkus ay kung paano ito makikita ng isang maktwirang indibidwal.

Matatandaang nauna nang ibinasura ng Sandiganbayan ang nasabing hiling ni Revilla dahil sa kawalan ng merito, habang si Justice Miranda naman ang natatanging hukuman ng dibisyon na hindi pumayag noon sa hiling ni Revilla na makapagpyansa.

Facebook Comments