Tuesday, November 17, 2026

Pagtugon ng gobyerno sa El Niño, kailangang pag-ibayuhin pa

Nananawagan si House Assistant Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa gobyerno na higit pang palakasin ang pagtugon sa matinding El Niño na mararamdaman hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Ikinalugod ni Diokno ang paglalaan ng Department of Agriculture (DA) ng P45 billion para sa fertilizer assistance sa mga magsasaka at mangingisda.

Pero giit ni Diokno, hindi ito sapat dahil kailangan ng iba pang uri ng suporta para maprotektahan ang kanilang kabuhayan, mapanatili ang produksyon para sa pagtiyak ng seguridad sa ating pagkain at upang maka-bangon sila agad mula sa epekto ng Super El Niño.

Tinukoy ni Diokno ang report ng DA na ngayon pa lang ay umaabot na sa P6.87 billion ang pinsala sa agrikultura ng tagtuyot kung saan nasa 223,000 mga mangsasaka ang apektado sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Paliwanag ni Diokno, dapat agapan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong sektor upang maibasan ang matinding pinsala ng sa gayon ay hindi maging mahirap at mas magastos ang kanilang pagbangon.

Pinapatiyak din ni Diokno sa pamahalaan ang sapat na suplay ng tubig sa buong bansa habang umiiral ang labis na tagtuyot.

Facebook Comments