DEADLY PROTEST | Nicaragua President Daniel Ortega, tinawag na mamamatay-tao ng ilang galit na estudyante

320

Tinawag na mamamatay-tao ng ilang galit na estudyante si Nicaragua President Daniel Ortega.

Ito ay kasabay ng ilang linggong deadly protest na ikinamatay ng nasa 49 na tao.

Nais ni Ortega na magkaroon ng mapayapang negosasyon sa mga demonstrador para maresolba ang karahasan.

Pero tinanggihan ng mga estudyante ang alok na dayalogo dahil itinuturing na genocide ang nangyari sa kanilang bansa.

Iginiit naman ni Ortega na kailangang imbestigahan ang mga pagpatay at may mandato ang mga pulis na huwag mag-open fire sa protesta.

Hinihiling ngayon ng mga demonstrador na magbitiw si Ortega sa pwesto at inaakusahan siya na nagtatatag ng family dynasty.

Facebook Comments