
As of 1pm, base sa inilibas na situational report ng Philippine National Police (PNP) umabot na sa 134 na mga indibidwal ang napaulat na sugatan habang 7 ang naitalang nawawala kasunod ng 7.8 magnitude na lindol sa General Santos City.
Naiulat naman na passable na ang mga kalsada at tulay sa South Cotabato at South Koronadal.
Habang naibalik na rin ang kuryente base sa ulat sa South Cotabato.
Patuloy naman ang isinasagawang beripikasyon, balidasyon, assessment at monitoring sa mga apektadong lugar.
Inilagay naman na sa heightened alert ang mga tauhan ng PNP sa Mindanao kasunod ng nasabing malakas na lindol.
Facebook Comments









