Monday, June 8, 2026

PBBM, hindi muna tutungo sa Mindanao upang hindi makaabala sa pagtugon sa mga biktima ng lindol

Hindi muna pupunta sa Mindanao si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw sa gitna ng pagtugon ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Saranggani.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ng Pangulo na manatiling nakatuon ang buong atensyon ng mga lokal na pamahalaan, mga responder, at mga ahensya ng gobyerno sa pagtulong sa mga biktima.

Maaari aniyang mahati ang atensyon ng mga awtoridad gung agad-agad na magtutungo ang Pangulo sa lugar dahil kailangan din nilang asikasuhin ang seguridad at pagbisita nito.

Binigyang-diin ni Castro na ayaw ng pangulo na siya pa ang unahin ng mga opisyal at responder sa halip na ang mga pamilyang naapektuhan ng lindol.

Gayunpaman, patuloy aniyang kumikilos ang pamahalaan upang agad na maihatid ang kinakailangang tulong at serbisyo sa mga biktima.

Facebook Comments