
Expected at walang problema.
Ito ang pahayag ni Defense Counsel Atty. Michael Poa kaugnay ng kanyang pagtestigo sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay Poa, pre-trial pa lamang ay inaasahan naman na nila ito.
Aniya, nakahanda naman syang tumestigo at alam naman nya na darating din ang pagkakataon na siya ay ipatatawag.
Dagdag pa niya, nasabi na rin naman nito ang kanyang mga pahayag noon sa Committee on Good Government at tutuusin ay uulitin lang naman nya ang mga sinabi nya rito.
Facebook Comments










