Wednesday, August 26, 2026

297 betting machines sa sabungan, natuklasang walang permit sa BIR

Nasa 297 betting machines at iba pang devices sa mga sabungan ang natuklasang walang kinakailangang permit at registration sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa BIR, isinagawa ang operasyon sa 11 cockpit arenas sa Metro Manila at South Luzon noong August 8, katuwang ang National Bureau of Investigation.

Kabilang sa mga sinelyuhan o kinumpiska ang computerized betting units, servers at iba pang kagamitang ginagamit sa sabungan na walang Permit to Use o PTU at hindi nakatala sa record ng BIR.

Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na obligasyon ng mga cockpit operator na tiyaking rehistrado ang mga makinang ginagamit sa betting transactions.

Matapos ang operasyon, nagsimula na ring magparehistro ang ilang cockpit operators ng kanilang mga makina at magbayad ng kaukulang penalties at buwis para sa unsealing o release ng mga ito.

Patuloy namang bina-validate ng BIR ang machine readings at transaction records upang malaman kung may karagdagang buwis na dapat bayaran.

Palalawakin din ng BIR sa buong bansa ang inspeksyon sa mga cockpit arena at magsasagawa ng kaukulang aksyon laban sa mga hindi susunod sa requirements.

Facebook Comments