
Muling nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis sa Maynila ilang araw matapos ang pag-uulan.
Sa datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 89 na bagong kaso ng leptospirosis ang kanilang naitala kaya’t nasa 356 na ang kabuuang bilang nito hanggang ngayong araw, Aug. 26, 2026.
Nadagdagan rin ng dalaw ang naitalang nasawi dahil sa leptospirosis kung saan nasa 17 na ang kabuuang bilang nito.
Pumapalo ma rin sa 2,414 ang bilang ng kaso ng dengue kung saan nasa 40 indibidwal ang nadagdag sa nasabing bilang.
Nasa 14 na residente sa lungsod ang nadagdag sa bilang ng kaso ng influenza-like illness (ILI) kung kaya’t nasa 1,056 na ang kabuuang bilang nito.
Nananatili naman sa tatlo ang kaso ng cholera, 66 ang typhoid fever, 87 ang bilang kumpirmadong kaso ng Covid-19 at nasa 304 ang may naitalang nagkaroon ng Severe Acute Respiratory Infection (SARI).










