
Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng water sampling sa paligid ng karagatan kung saan lumubog ang isang motor tugboat sa Zambales.
Ayon sa PCG, pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) and pagsusuri sa tubig para makita kung nagresulta sa oil spill ang insidente.
Sabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemi Cayabyab, isang underwater inspection din ang isasagawa katywang ang third party underwater diving team.
Ito ay para naman aniya matukoy kung ano ang proseso sa pag-salvage sa lumubog na tugboat.
Nasa 15,000 litro ng langis ang karga ng MTUG SL SUAL 1 nang lumubog sa karagatan.
Facebook Comments










