
Nilinaw ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte na mayroong 180-day period ang Office of the Vice President para sumagot sa Notice of Disallowance ng Commission on Audit kaugnay ng umano’y anomalya sa paggamit ng confidential funds.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, ayon sa rules of procedure ng COA may 180 days ang isang ahensiya mula sa pagtanggap nito sa Notice of Disallowance para maghain ng petition for review o apela sa nasabing komisyon.
Aniya, hindi sa hindi nagresponde ang OVP sa nasabing notice kundi dahil sakop pa ito 180-day period kung saan ito ay hanggang Oktubre pa ngayong taon.
Kaugnay nito, ayon sa defense team may panahon pa ang OVP na gawin ang mga legal remedies kung saan kabilang sa remedyong ito ang paghahain ng motion for reconsideration at kung kailangan ay pag-apela hanggang Korte Suprema.










