Wednesday, August 12, 2026

Panukala pasa sa mas mahigpit na parusa laban sa mga government personnel na magsisinungaling at mamemeke ng ebidensya sa isang congressional hearing, pinaaaprubahan ng isang senador

Isinusulong ni Senator Robinhood Padilla ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa para sa mga government personnel na mapapatunayang nagsinungaling at nagimbento o nameke ng ebidensya sa gitna ng isang congressional na pagdinig.

Sa Senate Bill 610 ni Padilla o ang “Truthful Congressional Inquiry Act”, mahaharap sa sampung taong pagkakakulong kung ang isang tauhan o empleyado ng gobyerno ay napatunayang nagsinungaling o gumawa ng pekeng ebidensya.

Tataas ang parusa sa 20 taon kung ang lumabag ay kabilang sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor)), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ibang law-enforcement agencies, Bureau of Immigration and Deportation, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Bureau of Customs (BOC).

Binigyang-diin ni Padilla na ang public office ay public trust at ang lahat ng opisyal at tauhan ng pamahalaan ay dapat na itinataguyod ang mas mataas na standard pagdating sa katotohanan at pananagutan.

Nauna ring naghain si Padilla ng Senate Bill 1957 na naglalayong patawan din ng mabigat na parusa ang sinuman na magbibigay ng maling address sa pagiisyu ng subpoena.

Mahaharap sa parusang kulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at multang P100,000 hanggang P300,000 ang sinumang indibidwal na pina-subpoena na mali o fake address ang ibinigay.

Facebook Comments