Friday, August 7, 2026

DND Sec. Teodoro, sinagot ang naging hamon ni VP Sara Duterte na pangalanan ang mga pro-China na opisyal ng pamahalaan

Sinagot ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang naging hamon ni Vice President Sara Duterte na pangalanan ang mga opisyal ng pamahalaan na pro-China.

Nabatid na hinamon ni Teodoro ang mga pro-China officials ng Pilipinas na magbitiw na lamang sa puwesto kung hindi kayang tumindig para sa usapin ng West Philippine Sea.

Sa inilabas na pahayag ni Teodoro sinabi nito na sa nasabing sitwasyon simple lang ang pamantayan, ang mga tumatanggi lamang sa Administrative Order 29 at hindi kumikilala rito lalo na sa gitna ng pagpasa ng bansa ng mga nautical chart para sa Bajo de Masinloc.

Aniya, nilinaw nito na hindi red-tagging o pagaakusa ang kanyang naging hamon na ito sa mga opisyal ng pamahalaan.

Dagdag pa nito, kumikilos ang Department of National Defense (DND) ng isang makatarungan at “objective criteria” sa mga kasong may kinalaman sa reputasyon ng mamamamayan.

Facebook Comments