DELIVERY VAN, BUMANGGA SA BAKOD NG ISANG BAHAY

Cauayan City – Maswerteng walang lubhang nasaktan matapos na bumangga ang isang delivery van sa bakod ng isang bahay sa Brgy. Sta. Teresita, Iguig, Cagayan kaninang umaga, ika-21 ng Pebrero.

Ayon sa report mula sa Iguig Police Station, patungo sana sa Alcala ang nabanggit na delivery van nang mangyari ang insidente.

Nakaidlip umano ang driver habang nagmamaneho dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa bakod ng isang bahay.


Sa kabutihang palad, nasa maayos na kalagayan naman ang driver at wala ring indibidwal na nasaktan dahil sa insidente subalit nawasak ang bakod ng bahay na nagbangga, at nagtamo rin ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala ang van.

Facebook Comments