
CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng mag-amang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa kinasang drug buy-bust operation sa lalawigan ng Quirino.
Kinilala ang mag-ama na sina alyas “Senior” at alyas “Junior” na parehong residente ng Cabarroguis, Quirino.
Sa operasyon, nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang dalawang (2) pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Dinala sa himpilan ng Cabarroguis Police Station ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments