
Cauayan City – Ibinida sa VTB Trade Fair sa bayan ng Tumauini ang natatanging delicacies at local products na matatagpuan sa kanilang munisipalidad.
Pormal na binuksan ang VTB Trade Fair sa Rudy T. Albano astrodome kung saan ang pagtatampok ng iba’t-ibang pagkain at produkto ay bilang pagkilala sa pagiging malikhain at masipag ng mga kababaihan, magsasaka, at lokal na mga negosyante sa kanilang lugar.
Makikita sa nabanggit na trade fair ang makukulay na booths, na naglalaman ng mga nabanggit na local products katulad ng produktong mais, katutubong handicrafts, lutong-bahay delicacies, organic produce, at iba pa na gawa mismo ng mga residente sa bayan ng Tumauini.
Sa pamamagitan nito, hindi lang maipapakilala ang gawa ng mga residente ng munisipalidad kundi mahihikayat rin ang publiko na suportahan at tangkilikin ang sariling atin.