Nakatakdang gibain ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang iligal na estrukturang natuklasan sa Sitio Bagong Barrio, Bonuan Binloc.
Ayon sa ulat, itinayo ang naturang gusali nang walang kaukulang permit at legal na awtoridad sa loob ng lupang sakop ng lungsod at pinamamahalaan sa ilalim ng Proclamation No. 98 ng DENR.
Tinatayang nasa 600 square meters ng pampublikong lupa ang umano’y inookupahan, habang ang mismong istruktura ay may lawak na humigit-kumulang 80 square meters at idineklarang “public nuisance.”
Pangungunahan ang nakatakdang demolisyon ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Engineering Office, katuwang ang DENR-CENRO at Dagupan City Police Office.
Muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na ang mga pampublikong lupa ay nakalaan para sa kapakanan ng mamamayan at hindi maaaring okupahan o tayuan ng anumang istruktura nang walang sapat na pahintulot at legal na batayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





