Tuesday, May 19, 2026

DAGUPAN CITY NAKIKIISA SA INFORMATION DRIVE KONTRA EBOLA

Nagdeklara ang World Health Organization o WHO ng Public Health Emergency of International Concern noong Mayo 17, 2026 kaugnay ng pagtaas ng kaso ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo at Uganda na kinasasangkutan ng Bundibugyo strain ng Ebola virus.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Ebola sa Pilipinas ayon sa mga health authorities.

Hinihikayat naman ang publiko na manatiling kalmado, maging mapanuri sa mga impormasyong natatanggap, at sumunod lamang sa mga opisyal na abiso mula sa Department of Health at WHO. Patuloy ding pinapaalalahanan ang mga mamamayan na pairalin ang wastong kalinisan at mga pag-iingat upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang takot at maling impormasyon sa komunidad.

Samantala, patuloy namang nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan City sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman hinggil sa kalusugan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Dagupeño. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments